Linggo, Agosto 13, 2017

Sampung bagay na gustong gustokong sbihin sayo.

Isa, nagsimula lahat sa isang chat mo, isang chat na ang tagal tagal kong inantay na mkuha ko galing sayo.


Dalawa, dalawang ulit mo nang hinahawakan yung ulo ko. Hindi ko alam kung anong meron sa bumbunan ko pero wala nakong pake ang alam ko lang kinikilig ako.


Tatlo, tatlong apir na galing sayo sa twing nananalo ka sa laban mo, feelingera lang ba ko nong naramadaman ko na hinigpitan mo yun hawak mo.. tama na ang landi ko.



Apat, apat na taon ang age gap natin. Pero feeling ko hindi halata kase halos magkaheight lang tayo.



Lima, limang laro mo na ang pinapanood ko. At sa bawat pagpalo ng raketa mo, feeling ko pinapalo mo din yung puso ko papalapit sayo.



Anim, anim na malalakas na tibok ng puso ko ang nramdaman ko nong minsang nagpapapasa ko ng files sa cellphone mo.
Pito, pitong bes kong tinanong ang sarili ko. Bakit ganon? parang iba ang nararammdamn ko. Hindi ka mawala a isip ko pitong araw sa isang linggo ko din iniistalk ang profile mo.



Walo, walong hampas ang ginawa ko sa sarili ko na baka nananaginip lang ako nong nalaman ko na wallpaper mo daw ako sa cellphone mo.


Siyam, siyam na sipa at palo nkuha mo tuwing nagkakamali ako ng galaw sa stunts ko. Siyam na bes akong nahulog pero hindi ko namalayan sa huling pagbagsak ko literal na pala kong nahulog sayo.




Sampu, Sampung beses kong pinaniwala sarili ko na wala lang tong nararamdaman ko. Sampung beses kong pinilit pgilan tong mararamdaman ko pero sampung beses din akong nagsinungaling sa sarili ko kasi sampung beses kong pinag sisihan na sinabi ko sayong ayoko nong sinabi mo sakin gusto mo din ako.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento